Kumusta na kayo mga mangilan-ngilan kong mambabasa? Naging masaya ba ang inyong Pasko? Marahil, ang isasagot nyo sa akin ay "oo." Tayong mga Pinoy kasi, kahit binabagyo na ng kalamidad at inuulan ng problema, basta tungkol sa Pasko ang usapan, ipinagpapaliban muna ang lahat para ialay ang araw na iyon kay Hesus. Mahirap man o hindi, may pera man o wala, madami o kaunti man ang handa ay sinasalubong padin natin ang kapanganakan Niya.
Noong bata pa ako, kadalasan ay nagpupunta kami sa aming Lolo at Lola para doon ipagdiwang ang Pasko. Nagkikita-kita kaming magpipinsan at kung minsan ay nananatili kami ng dalawa o tatlong araw doon para kahit paano'y makasama namin sila ng matagal. Pero mula nung pumanaw ang Lolo ko, tapos nitong taon ay si Lola, sa bahay na lamang namin ipinagdiwang ang Pasko.
Naging masaya din naman ang araw na iyon dahil nagkaroon kami ng munting salu-salo kasama ng iba kong mga pinsan, pamangkin at iba pang kamag-anak. Nagkaroon ng parlor games na ikinasiya ng lahat. Nagsilbi itong reunion ng pamilya. Nagsimula ito noong isang taon at napagdesisyunan na gawin na ito taun-taon upang kahit paano'y matipon ang lahat at magkasama-sama kahit minsan sa isang taon.
Marahil and Disyembre 25 ay hindi nga ang tunay na araw ng kapanganakan ni Hesus. Ngunit ang araw na ito ay nagsisilbi nang araw ng bawat pamilya para sa isa't-isa at higit sa lahat ay para sa Kanya. Wala namang mawawala kung magdiriwang hindi ba? :)
Isang araw na lang at bagong taon na. Wala pa akong New Year's Resolution at hindi ko alam kung gagawa ba ako. Di naman kasi kelangan maging bagong taon para gumawa ng pagbabago. hehe. Pero kung iyon ang trip ng iba, wala namang masama. Irespeto nalang natin ang paniniwala ng bawat isa.
O sige, hanggang dito nalang muna. Tandaan, bawal magpaputok! :p Manigong Bagong Taon sa lahat!!!
0 lovely notes ♣:
Post a Comment
Got something to say?
I'd love to hear it!
Oh, pls avoid out-of-topic comments.
Thank You very much! :))