Kung minsan, may mga bagay na nangyayari na di natin inaasahan. May mga taong dumadating at umaalis nang di natin namamalayan. May nagagawa tayo o nasasabi nang hindi napag-isipan.
Ilang beses na nga ba? Ilang beses na tayong nasaktan at umasa? Bakit patuloy tayo sa paglangoy sa buhay na di naman tayo masaya?
Marahil nga, mahirap hanapan ng kasagutan ang ilan sa mga tanong sa itaas. Gaya nalang kung paanong nahihirapan din ako isipin kung bakit andito nanaman ako sa espasyong ito makalipas ang mahigit isang taon.
Hindi ko maintindihan bakit kung kailan mo pinapasok ang isang tao sa buhay mo, kahit napakatagal mong pinag-isipan kung dapat nga ba o hindi, saka nya naiisipang umalis din muli. Sabi nila, nangyayai ang mga ganitong bagay para matuto tayo. Matutong maging matatag, matapang at mapagpatawad.
Siguro, dadating din ang panahon na malalaman ko/natin ang mga kasagutan sa lahat ng ito. Sana, pagdating ng panahong iyon, tatawanan ko nalang (gayapaulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit ng nakaraan) ang sarili ko at mapapangiti dahil sa kabila ng lahat, naisip ko pang isulat ang mga ganitong bagay sa blog na ito.
Dahil kaya malungkot ako? Siguro. May pinagdadaanan? Siguro. Walang makausap? Siguro.
Hindi ko maintindihan bakit kung kailan mo pinapasok ang isang tao sa buhay mo, kahit napakatagal mong pinag-isipan kung dapat nga ba o hindi, saka nya naiisipang umalis din muli. Sabi nila, nangyayai ang mga ganitong bagay para matuto tayo. Matutong maging matatag, matapang at mapagpatawad.
Siguro, dadating din ang panahon na malalaman ko/natin ang mga kasagutan sa lahat ng ito. Sana, pagdating ng panahong iyon, tatawanan ko nalang (gaya
0 lovely notes ♣:
Post a Comment
Got something to say?
I'd love to hear it!
Oh, pls avoid out-of-topic comments.
Thank You very much! :))