Hindi ko naman sinabi na gusto ko managinip gabi-gabi. Pero bakit ganun? Masyado na bang magulo ang utak ko ngayon? Ewan. Madaming nangyayari sa panaginip ko pero hindi ko talaga maalala ang kabuuan ng nangyari.
Nung isang araw, naglinis ang nanay ko ng garden nya. Binibiro ko pa nga siya na baka may ahas na dun. Nung huli kasi naming inayos yun, andaming maliliit na ahas ang lumabas mula sa ilalim ng lupa. Oo, mula sa ilalim ng lupa! Unbelievable???
Sabe ng tatay ko noon, mga ahas-tulog lang daw yun. Hindi poisonous, pero nakakatakot padin 'di ba?
Noong bata pa ko, madalas kami maglaro sa katabing bakuran ng bahay namin. Naalala ko pa, may puno doon ng saresa [aratilis]. Kung di mo alam yon, di ka naging bata. #lels. Isang araw, habang nakaakyat kami sa puno na yun, may nakita kaming ahas na gumagapang sa ibaba. Takut na takot talaga kami non kasi ang itsura nya yung parang nasa bote ng cobra. [yung energy drink?] Ang ginawa namin, umakyat kami sa kaitaas-taasan nung puno at di kami bumaba hangga't di umaalis yung ahas. Mula noon, malaki na ang takot ko sa ahas.
Di ko lang alam kung bakit andami ko nang encounter sa ahas. Nung minsan naman, fiesta dito samin, may bigla nalang nahulog na ahas mula sa bubong ng bahay. Isang ruler lang ang layo nya sakin! At meron syang lingkis na daga! Kawawang daga.
Photo Credit |
Nangyari din ito nung nagpipiknik kaming magkakaibigan sa tumana. Dahil siguro sa usok, nahilo yung ahas at nahulog mula dun sa kubo. Nakapacircle pa kami nun sa kubo at sa gitna namin sya nahulog! Grabesh talaga.
Siguro ang pinakaclose encounter ko sa ahas ay noong gradeschooler palang ako. Habang natutulog kami ay may ahas sa itaas ng kulambo namen. [oo nagkukulambo kame kasi malamok. #lels.] Antagal ko siyang tinignan bago ko ginising yung nanay at tatay ko. Ayun. Na-deadbol ang ahas. haha...
Madalas ko mapanaginipan ang mga ahas. Sa panaginip ko, nakikipaglaban ako sa kanila. Nung isang gabi nga, ang panaginip ko ay natuklaw daw ako ng ahas. At wag ka, kulay green ang poison nya! WEIRD. Buti nalang sa panaginip lang yun. Dahil kung hindi, wala na magkukwento sa inyo ng kaweirduhan ngayon. haha...
Ikaw? Anung kinatatakutan mo? :)
0 lovely notes ♣:
Post a Comment
Got something to say?
I'd love to hear it!
Oh, pls avoid out-of-topic comments.
Thank You very much! :))