...where sanity and insanity meets halfway.

(Un)identified Falling Object?!

Oras: 12:00nn
Lokasyon: Canteen sa harap ng hospital

Habang naghihintay sa nagseserve ng order, tahimik akong nakaupo sa isang bahagi ng naturang canteen. Hawak ko ang aking cellphone at nagbbrowse sa facebook nang biglang may nahulog sa aking tabi mula sa kalangitan! (Okay, mula sa kisame lang.) Nagulat ang lola mo! Grabe! Akala ko kung anu na! Sinuri kong mabuti kung ano yung unidentified falling object na yun. Eto sya:

Can you guess?
It's a plane! No, it's a bird! Oh, it's a mouse! Bahagyang nangisay pa ang munting daga bago tuluyang nawalan ng hininga. Oo, chineck ko ang kanyang ABC. A-irway, B-reathing at C-irculation. haha... <joke> Pero promise, ikaw man ang mahulog mula sa napakataas na kisame, di ka kaya mamatay?! Kawawa naman sya. :c

Ilang minuto pa ang lumipas at nakamove-on na ko sa pangyayaring yun. Walang anu-ano, may nahulog nanaman na kung ano sa aking tabi! Anuberrrr. Uso ang nahuhulog na mga bagay bagay?! Tinignan ko ulit kung anu yun. (tsismosa ko e. haha)

UFO?!
Oo. Tama ka. Daga ulit! Tulad ng inaasahan, namatay din ang kawawang daga. Tinignan ko yung kisame na pinanggalingan nila, walang marka na may bahay ng daga doon. Sabi nung may-ari ng canteen, baka daw binuhat ng nanay na daga yung mga anak nya para ilipat pero unfortunately, nahulog sila. Hmm. That's sad... :c

LESSON: Huwag kakain sa canteen na may kisame dahil may mahuhulog na daga mula doon. Hehehe. :p

3 lovely notes ♣:

Roy Cortez a.k.a. Otackore said...

Napakamakapagdamdamin ng kinahinatnan ng bubwit . . . di kaya'y may nan-trip lang sa'yo?

L.Torres, RN said...

Trip? Mukha namang hindi po... Kawawang mga bubwit. :c

dsfds said...

Hahahha tungkulin mo syang iligtas agaga

Post a Comment

Got something to say?

I'd love to hear it!
Oh, pls avoid out-of-topic comments.
Thank You very much! :))

All contents are mine unless otherwise stated. Powered by Blogger.

Template by:

Free Blog Templates