Ewan ko ba kung bakit gabi-gabi ako nananaginip ngayon. May gusto yata sabihin saken si Lord through my dreams. Pero, subalit, datapwa, ngunit, paggising ko, di ko na maalala yung panaginip ko kahit alam kong nanaginip ako. #lels.
Credit |
Nung estudyante pa ako, napag-aralan namin na nagaganap ang panaginip during the REM o Rapid Eye Movement stage. Ito yung stage kung saan continuous ang paggalaw nung mata mo, hence the name. Dito rin yung stage kung saan mataas ang brain activity mo at para ka na ring gising. Pwede din managinip sa ibang stage ng pagtulog; pero, yun yung mga panaginip na hindi mo maaalala. Mataas daw ang chance na matandaan mo yung panaginip mo kung magigising ka during the REM stage.
Sabe ni Sigmund Freud, and panaginip daw ay manifestation ng ating deepest desires and anxieties. Kaya kung nanaginip ka ng tungkol sa mga ahas, ipis o kung anu pa man at pakiramdam mo e takot na takot ka, malamang takot ka talaga sa bagay na yun sa totoong buhay. Yun ay mga bagay na nasa subconscious mo.
Credit |
Ang panaginip daw ay maaring mangyari ng segundo lang o kaya naman ay tumagal hanggang 20minutes. May mga panaginip na gusto natin ulit-ulitin at meron din namang ayaw na natin balikan. Kagabi, nagkaroon ako ng panaginip. Alam ko pa kaninang umaga kung tungkol saan yun, pero ngayon, parang bula na bigla ko nalang nakalimutan. Astig noh?
Naisip ko tuloy na i-post dito yung mga panaginip na natatandaan ko. Mula ngayon, ilalagay ko dito yung mga panaginip na maaring may kinalaman talaga sa future kaya ko napapanaginipan. Hihi. Malay natin, mapag-tagpi-tagpi ko yung mga panaginip na yun balang araw. :)
Ikaw, nanaginip ka din ba kagabi? I-kwento mo na!
0 lovely notes ♣:
Post a Comment
Got something to say?
I'd love to hear it!
Oh, pls avoid out-of-topic comments.
Thank You very much! :))