Bakit nga ba dalawa kasi ang blog ko? Di ko tuloy ma-update to. Hmm. Ewan. Ginawa ko 'to dati para may mapagpost-an ako ng mga kaganapan sa aking buhay...in Tagalog. Hahaha. Turns out, di ko naman nabibisita. Puro agiw na tuloy. Haha.
Pero bakit ngayon andito ko? Siguro kasi, may mga bagay na ayokong i-post sa isa kong blog. Dami kasing tao dun, shy ako. bwahaha.
Nakakainis. Wala ako mapagsabihan ng gusto ko sabihin. Alam mo yung feeling na, pag sinabi mo yung bagay na yun, andami nilang ipapayo? E hindi mo naman gusto ng payo nila. Ang gusto ko lang, someone who'd listen to my sentiments. Pwede ba yun? Ayoko sa mga unsolicited advice. Instead of making me feel good, e nakakairita lang. Gets mo?
Minsan, akala natin nakakatulong tayo sa ating kapwa, kaibigan o sinu man kapag nagbibigay tayo ng payo. Di natin alam, mas napapabigat lang natin yung burden nila. So next time na may mag-open up sa'yo, pakiramdaman mo, or directly ask kung kelangan nya ng advice. Okay???
Tungkol san nga ba yung gusto ko sabihin? Uh-huh.
Yung feeling na, ok ka na, pero isang kita mo lang sa pangalan ng isang tao, parang ipu-ipong naglalaho yung feeling na ok ka. Kahit ilang taon na nakalipas, andun ka pa rin kung san ka iniwan, kasi akala mo babalik pa sya. Kasi akala mo, totoo yung sinabi nya. Parang tanga lang nuh? Hahaha.
Bakit ba ganun? Nasasaktan padin ako. Haha... Sabe nga nung isa kong kakilala, lagi ko daw kasi dinadaan sa tawa. E anu gusto nya? Umiyak ako? Pagod na ko umiyak. Sawa na ko masaktan. Ayoko na. Haha. *tawa ulit*
Pwede bang, magpretend na lang na masaya? Hanggang maging totohanan na... :c
Oh diba, Masaya! |
5 lovely notes ♣:
Awww.. isa lang ibig sabihin nyan, Lily. Hindi ka pa nakapag move on. Hm, ganun talaga ang buhay, diba? You win some, you lose some. Sa pagkakataong yun na iniwan ka, you lost that special someone...
Lovelife ba to? hehe.. Unsolicited advice ko to. XD
Hayaan mo na lang sya. Yes, madaling sabihin noh? Pero napagdaanan ko na din kasi. Kinaya ko. Kaya mo rin yan. Wag ka na lang umasa. Wag ka na lang mag expect. Let go mo sya. One should let go of the past to move forward towards the future. :)
Kung gusto mo umiyak, iiyak mo. Isang buong pagiyak.. yung todong-todo. Ilabas mo lahat. Kung galit ka, ilabas mo. After that.. accept reality na lang. Wala na sya sa buhay mo. Accept it.
And cheer up! Merong darating na mas okay. Hintayin mo na lang ang right time. Sabi nga ni Big Bro.. sa takdang panahon. :)
And lily.. eto nga pala ang tutorial na hanap mo.
Yung comment threading, madaling ienable whenyou're using default Blogger templates. Pero pag costumized templates, kelangan mong edit ang ilang codes ng blog mo.
Wala akong tutorial about that, pero eto nabasa ko. When I changed my template dati, I used this. It didn't work on mine, pero nagwork sya sa blog ng kaibigan ko. Try it out.. baka gumana sayo. Goodluck! :)
http://www.fromwalatookay.info/2012/03/infographic-blogger-journey.html
Maling link... eto pala. haha!!
http://www.fromwalatookay.info/2012/02/how-i-solved-threaded-comment-in.html
wow ate, gumana nga...Thank You soOoo much! :)))
huwaaaa.
pero tama ka ate, KAYA KO 'TO!!! Nalulungkot lang naman ako paminsan. Hay buhay. hehe. Tapos na ko sa pag-iyak ate, wala ng luha. [owver] hehe
Wala naman daw 'moving on'. Only acceptance. Andaming beses ko na inakala na nakapag let go na ko, ewan ko ba, affected pa din kahit pano. :)
Salamat ate! I'll just wait for God's perfect timing para sa lovelife ko. :)))
Post a Comment
Got something to say?
I'd love to hear it!
Oh, pls avoid out-of-topic comments.
Thank You very much! :))