Ilang beses ba ko makikipag-haggle sa mga traysikel drayber dito sa Cabanatuan City?
Grabe! Naturingang Tricycle Capital of the Philippines dahil sa sobrang dami ng tricycles! Mahigit 30,000 registered tricycles! Kahit san ka lumingon, siguradong may tricycle kang matatanaw! Ang nakapagtataka lang, napakaraming tricycles dito pero napakamahal padin nila maningil!
Ayon sa formula sa economics, pag mataas ang supply at kaunti ang demand, mababa ang presyo! Pero bakit ganon? Exception to the rule sila? Hmm.
Scenario 1:
5pm. Uwian na. Paghakbang mo palang sa labas ng gate ng hospital, may traysikel nang lalapit sa'yo. Di mo na kailangang tumawag. Automatic yun. lols.
Ako: Manong sa kanto lang, magkano ho hanggang dun? (yung kanto na yun e wala pa atang 3kms ang layo. Ayoko lang maglakad kasi umuulan.)
Manong: Magkano ho ba binabayad nyo dun? (oo, ikaw pa talaga ang tatanungin nila. Wala kasing standard rate. O kung meron man, hindi naman nila sinusunod.)
Ako: E kinse (15php) po.
Manong: Bente na po ate?
Ako: Woo! Kalapit lang nun e!
Manong: O sige na nga.
Scenario 2:
Lunch time, pumunta akong BDO. Sa labas ulit ng hospital. As usual, may traysikel na.
Ako: Manong, magkano po hanggang BDO?
Manong: 25php po.
Ako: (sumakay na at di na nakipagdiwaraan. Umuulan ulit. lols)
Pabalik ng hospital:
Ako: Manong, magkano po hanggang W.U.P? 25php lang ha?
Manong: Ay, e malayo ho yun. 30php.
Grabe! Nung papunta ako, 25php. Nung pabalik na ko, 30php! Anu yun? Humaba yung daan?! Nadagdagan ang kilometers?!
Ako: 25php lang ho kuya...
Manong: Di po pwede e...30php.
Ako: Ayaw nyo? Di 'wag! (bumaba ako at humanap ng ibang traysikel) May nagsakay naman sakin at walang ka-angal angal na 25php ang binayad ko.
Scenario 3:
5pm. Pauwi ulit. Trip kong sa NE Pacific Mall dumiretso para makalibot. lols. Paglabas ng hospital, may traysikel na syempre!
Ako: Manong, sa NE Pacific po, magkano?
Manong: 50php po.
Ako: Wah! Kamahal naman! Di ba 40php lang?! (Take Note: Nasa around 4-5kms lang yun.)
Manong: Wala po kasi kami nasasakay don pabalik dito e.
Ako: (problema ko ba yun?) 40php nalang kuya. Ganun naman lage bayad ko dun e. (though mahal pa rin talaga yun!)
Manong: 50php po Ma'am.
Ako: E sige, wag na.
Naglakad nalang ako hanggang kanto saka ako nagjeep. Pamasahe: 8php.
Nung estudyante pa ko, madalas kami makipag-away ng mga friends ko sa mga traysikel drivers na yan. Magulang kasi maningil! haha. (Hindi naman po kami warfreak) Kung ikaw ay baguhan dito sa Cabanatuan, malamang ay masingil ka ng 60php or mas mataas pa kahit napakalapit lang ng pupuntahan mo.
TIP: Bago ka sumakay, makipag-haggle muna sa driver para wala sa huli ang pagsisisi. Olrayt! :)
TIP: Bago ka sumakay, makipag-haggle muna sa driver para wala sa huli ang pagsisisi. Olrayt! :)
Photo Credit |
8 lovely notes ♣:
Parang taxi sa Manila. Namimili pa though medyo nabawasan kasi nababantayan na sila ngayon at required na din mag issue ng resibo.
masusubukan ang haggling skills ko dito pagnapadaan ako sa bayan na yan hhaa
Dapat may "SAY" ang local government ng Cabanatuan dyan. Di ko alam kung bakit ganyan kaluwag ang granting of franchise or line sa mga tricycles dyan. Ideally, bago kasi mag-apruba ng line, dapat may basis ayun sa transport demand ng mga tao. Kung wala, ibig sabihin nun, hula-hula na lang o tantyahan. Mahirap yan.. pati pamasahe, on-the fly na rin. Depende sa pangangailangan.
my dad owns and tricycle as wwell!! and as years pass by dumadmi n din tlg ung trcicyle s terminal nla making it so impossible to reach the kota they neede to support their family.
I can relate to this. Actually, this is one of the reason why I relocated to a new apartment. For the tricycle fare alone, it's too costly! Some drivers will even take advantage if you don't know the tariff.
Para po! Naku ang mahal pang sumingil ni Mr. Trike Driver.
Cooking Like a Pro
hahaha. I usually do this din bago sumakay ng tryc, mdaya ksi ung iba!
ang mahal maningil!
Here in my city, it's the same, they are everywhere! Though most of the time, you have to wait in line for your turn. And when it rains, oh boy, you can't find them lol!
Post a Comment
Got something to say?
I'd love to hear it!
Oh, pls avoid out-of-topic comments.
Thank You very much! :))