...where sanity and insanity meets halfway.

Ang Pagbabalik

Minsan, may mga bagay tayong nakakalimutan ng hindi sinasadya. Marahil sobra tayong busy at nawawalan na ng oras para isipin pa kung may nakalimutan nga ba tayo. Normal lang yun sa tao. Maswerte ka kung yung bagay na nakalimutan mo ay nandoon padin sakaling maalala mo syang balikan. 

Gaya nalang ng blog na'to. Antagal ko nang hindi nakapag-update at tinubuan nanaman sya ng agiw. Hindi ko kasi alam kung anu ang dapat kong isulat dito. Hanggang sa maisipan kong, bakit hindi ko sya gawing blog na nasa wikang Filipino? Mabuti nalang, kahit ilang buwan na ang lumipas, andito padin sya, tahimik na naghihintay sa muli kong pagtipa sa keyboard.

Sa totoo lang, hindi ako ganun kagaling sa pagsulat sa wikang Filipino. Wala akong masyadong alam na matatalinghagang salita. Naalala ko pa nga nung highschool at college, Filipino ang pinakamababa kong grades. Iniyakan ko pa nga yun nung unang taon ko palang sa kolehiyo. haha. :p Pero susubukan kong makapagpost dito sa abot ng aking makakaya, mula ngayon hanggang ako'y nabubuhay. (Me ganun? haha)

Sana, maging makabuluhan ang muli kong pagbalik sa munting espasyo na'to sa blogosphere. Hindi ko na buburahin ang mga ingglesera kong entries sa blog na'to. Basta mula ngayon, Filipino na ang gagamitin ko. (Pagpasensyahan na lang ang ibang ingles na di ko maisa-Tagalog. hahaha)

Maligayang pagbabalik sa akin! :)

0 lovely notes ♣:

Post a Comment

Got something to say?

I'd love to hear it!
Oh, pls avoid out-of-topic comments.
Thank You very much! :))

Don't miss any of our posts! Follow by e-mail:

All contents are mine unless otherwise stated. Powered by Blogger.

Template by:

Free Blog Templates