...where sanity and insanity meets halfway.

Next Job?

google
Isang buwan na kong jobless. Pero okay lang, okay lang ako. Kung di nyo po alam, isa akong nars tatlong taon na ngayon. Nagboluntir na ko ng 6months sa isang secondary hospital, 2months sa tertiary hospital at mapalad na nasali sa isang taong programa ng DOH last year; ang RNheals. Natapos ang kontrata ko dun nung Feb.15, 2012. At ngayon nga, eto ako, tumatambay muna. #lols.

Actually, nag-apply ako sa programa naman ng Philhealth; ang Philhealth CARES. Matapos ang isang buwan na paghihintay, nakatanggap ako ng text mula sa kanila na for interview daw ako. Super saya ko nun! haha. Biruin mo, out of 23,000+ na aplikante, isa ako sa naging "choice".

Nung Martes yung interview. Mag-isa ako nagpunta sa Pampanga nang di alam kung sang direksyon ang tatahakin. haha. Thanks be to God at hindi naman ako naligaw. Di ko na idedetalye yung mga naganap sa interview. Basta. Kinabukasan, bumalik ako for exam naman. NAPAKAhirap nung exam! Grabe! As in! 200 items yun. 100 ang passing. Tanungin ba naman ako ng degrees, sine, cosine, perimeter atbp. dun? Kaya nga ako nagnarsing e! Ayoko sa math! #lols.

By last week of April pa daw malalaman ang result. Parang naghihintay lang ng result ng board exam ang pakiramdam. haha. Hayyy. Sana, makuha ko 'to! Pray for me. :)

0 lovely notes ♣:

Post a Comment

Got something to say?

I'd love to hear it!
Oh, pls avoid out-of-topic comments.
Thank You very much! :))

Don't miss any of our posts! Follow by e-mail:

All contents are mine unless otherwise stated. Powered by Blogger.

Template by:

Free Blog Templates